Dangal ng Lipi
Isang Natatanging Pagkilala. Pagpapahalaga at
Pagpaparangal sa mga Huwarang Bulakeño...
Ang pagkakaloob ng natatanging pagkilala at pagpapahalaga sa taunang pagpili ng Dangal ng Lipi ay pagpapatunay lamang na ang lalawigan ay hitik sa mga mamamayang mahuhusay, matatalino, masisipag at mapagpunyagi.
Ang pagpili at paggawad ng karangalan sa mga pangunahing Bulakenyo ay sinimulan noong 1974 at tinawag na Natatanging Bulakenyo Award.
Bilang pagkilala sa isang maganda at makabuluhang tradisyon, ang pagbibigay ng parangal ay ipingpapatuloy hanggang ngayon sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando. Ang parangal ay tinaguriang "Gawad Dangal ng Lipi", ang pinakamataas na karangalang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa natatanging anak ng Bulacan na nagtagumpay sa kani-kanilang larangan. Ito ang isa sa pinakatampok na gawain sa taunang pagdiriwang ng "Linggo ng Bulacan".
Category
Mga kategorya ng parangal
PAGLILINGKOD SA BAYAN
Nakapaglingkod o kasalukuyang naglilingkod sa pamahalaan, maaaring halal o hinirang.
PROPESYUNAL
Board o bar passers na nangibabaw sa kanilang larangan
PAGLILINGKOD PAMPAMAYANAN
Pribadong mamamayan na naglilingkod sa pamayanan
ENTREPRENOR
Negosyante / mangangalakal na nagmula sa maliit na estado at umunlad na nagbigay daan upang maging matagumpay sa kanilang larangan
EDUKASYON
Guro, tagapangasiwa, superbisor, punong guro, non-practioner na may malaking naging ambag sa pagsulong ng edukasyon
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Sino mang mamamayan na may kaugnayan sa agham at teknolohiya, propesyonal o hindi
SINING AT KULTURA
Katangi-tanging alagad ng sining na tuwirang may paglahok o kaya'y nagtataguyod sa pitong disiplina ng sining: drama, sining biswal ( pagpipinta at iskultura), arkitektura, literature, pelikula at potograpiya, sayaw at musika, gayundin sa mga pamanang kalinangan ng lahi
PANGANGALAKAL AT INDUSTRIYA
Mangangalakal na nagbibigay ng malaking ambag sa pagpapaunlad ng negosyo at kalakalan sa lalawigan at naging tanyag sa loob at labas ng bansa
PANGKALUSUGAN
Doktor, nars, kumadrona, dentist at ano mang propesyon na may kaugnayan sa larangan ng kalusugan, pribadong mamamayan man o naglilingkod sa pamahalaan
AGRIKULTURA
Pribadong mamamayan man o naglilingkod sa pamahalaan na may kaugnayan sa larangan ng agrikultura, propesyunal man o hindi
ISPORTS
Atleta, coaches, referees, umpires, commissioners at iba pang may kaugnayan sa larangan ng palakasan, aktibo man o hindi
BULAKENYO EXPATRIATE
Nasa ibang bansa man o balikbayan na nangingibabaw sa anumang kategoryang nabanggit na patuloy na tumutulong sa kanyang mga kababayan hindi lamang dito kundi sa bansang kanyang napiling tirahan
TANGING BULAKENYO
Sino man kalahok na nangibabaw sa ano mang kategoryang nabanggit. Mayroong napakahusay at katangi-tanging nagawa
Qualifications
Sino ang maaaring maging kalahok?
Kailangang ipinanganak at naninirahan na hindi bababa sa limang (5) taon sa Bulacan; o
Ang mga magulang ay Bulakenyo: kung hindi man, ang ama o ina ay Bulakenyo at nanirahan ng hindi bababa sa limang (5) taon sa Bulacan; o
Kung asawa ng isang Bulakenyo, siya ay kailangang nakapanirahan ng hindi kukulangin sa sampung (10) taon sa Bulacan; o
Kung walang dugong Bulakenyo, siya ay kailangang may sampung (10) taon nang naninirahan sa Bulacan; at,
May natatanging nagawa, napatanyag sa larangang kanyang kinabibilangan at nakatulong sa pagbunsod ng kaunlaran sa lalawigan.
Mechanics
Paano ang paglahok?
Ang nominasyon ay kailangang alinsunod sa Dangal ng Lipi Nomination Form.
Ang magpapasok ng kalahok (sponsor) ay kailangan ang mga karanasan, ginampanang tungkulin, mga posisyong hinawakan, antas ng edukasyong narating at natatanging nagawa ng ipinasok na lahok.
Ang sipi (photo copy) ng katibayan ng pagkilala, mga karangalang nakamit, mga dinaluhang pagsasanay, at iba pa ay kailangang ilakip sa isusumiteng dokumento.
Kailangang maipaliwanag ng sponsor kung papaanong ang nagawa ng kanyang ipinasok na lahok ay nakatulong sa nakakarami o sa pag-unlad partikular sa lalawigan ng Bulacan.
Ang orihinal na kopya ng form kalakip ang dalawang (2) may kulay na larawan ng kalahok na may sukat na 2" x 2" ay kailangang isumite sa o bago dumating ang ika-15 ng Hunyo sa kalihiman ng Dangal ng Lipi, Panlalawigang Tanggapan sa Pagpaplano at Pagpapaunlad (PPDO), Ikatlong Palapag, Gusali ng Kapitolyo, Lungsod ng Malolos.
Contact Us
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
KALIHIMAN NG DANGAL NG LIPI
Panlalawigang Tanggapan sa Pagpaplano at Pagpapaunlad (PPDO)
Ikatlong Palapag, Gusali ng Kapitolyo, Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan
Lungsod ng Malolos, Bulacan